Miyerkules, Enero 2, 2013

Kaartihan ko lang

Dahil New Year na, syempre di ako papahuli sa mga top chuvaness of 2012. Charot lang mga atey. :)
Top 8 kasi favorite number ko. HAHAHA.

TOP 8: TUTORLINK UPCAT SUMMER REVIEW
* kasama yan syempre. Kasi nemen. *conyo mode* masaya. Kasi may mga nakilala akong mga tiga ibang school. Ayun, lalo na sila Val and Alex. Sila yung cheatmate/friendship/ka chismisan dun. Naalala ko pa nun. May kalandian din kaming tatlo. Kasi si Val may crush dun sa Math proctor namin. Hahaha. Tapos nakakatuwa kasi matatapos na yung review, hindi ko pa rin alam yung pangalan ng Science proctor namin na trip na trip ako tuwing nag di-discuss. Hahaha.
*Tapos nung last day namin. Mock exam. Imbis na tahimik kami, nag papatugtog pa sila ng 'Call me maybe'. Pero hindi naman kami pinapagalitan ni Sir Mark. Hihihi. Tapos nireklamo pa kami nung kabilang class room kasi ang ingay namin. Charot!

TOP 7: COLLEGE ENTRANCE EXAMS
-UPCAT
*In fairness, mahirap sya. Huhuhuhu. Pero, for the first time, kinareer ko ang math. Hahaha. Pero yung science ata yun. Nakakaiyak. Kasi puro bio. Huhuhu. Tapos, may essay pa. Buti na lang, yung essay, yung masasagot ko ng maayos. Kasi yung sa iba ang mga tannong daw 'if you saw an alien....' mga ganun. Haahahaha. Pero sana makapasa sa UP! Tiwala lang pree. :>

-USTET
*Madali syaaa. Yeey. Hahaha. Pero, ulit. Kinareer ko ang math. Di ko alam kung ano nakain ko, pero sinipag ako mag solve. Di gaya ng sa upcat, punong-puno ng solution scratch paper ko. Sa sobrang sipag ko mag solve, pucha. Di ko natapos yung math. Hihihi. Tapos, bago yan. Nga pala, late ako dumating nun. Hahaha. Nagbibigay na ng instruction yung proctor nun. Hahaha. Pero ayos lang. :))) Sana makapasaaaa:)

TOP 6: VOX PUBLICATION/CHIMES
*Ayun, sa past blogs ko nakwento ko na itey. Hahaha. Pero seryoso, di ko inakala na makakapasa ako at magiging writer. Hahaha. Sa Vox muna. Kasi....... ang sayaaa. :) kahit maliit yung office, tuwing Friday, kaming mga Seniors, hihihi. Di ko ma-explain. Chos. Hahaha. Tapos sa Chimes naman, kahit nagagahol ako sa deadline kasi yung iba kong classmates wala atang balak mag submit ng baby pic at soft copy, masaya pa din. Hihihi :>

TOP 5: BREAKING THE RULE.
*Eto yun eh. Kasi bawal kumain sa classroom diba. Hahaha. Pero I admit, kumakain ako. PERO. matindi kasi tong ginawa namin eh. Kumain kami ng tiramisu habang may teacher sa classroom. Walang biro. Hahaha. Isang spoon lang gamit namin, tapos salit-salit kami. Hahahaha.

TOP 4: INTRAMURALS
*Last na kasi eh. Ayun, kahit hindi kami nanalo, mafi-feel mo pa rin na nanalo ka kasi yung samahan nyo ng classmates mo. Hahaha. Ang saya, promise. Pag natalo sa games, todo comfort. Family kasi eh. :") *hi, 2F!*

TOP 3: CHEER DANCE COMPETITION
*Circus peg namin eh. Kahit hindi nanalo, alam naman naming ginawa namin yung pinaka best namin eh. Kasi sa puso ni Mrs. JQ, kami ang champion. :")

TOP 2: DOMZDAY
*Na blog ko na rin to. Hahaha. Pero ayun, kasi nga last na eh. sinagad na namin. Dec. 21, eh sabi nila end of the world na daw. Pero kami, party laaang! Sobrang saya kasi wala kaming ginawa kung di magsayaw at mag photo booth. Hihihi. Bongga na kung bongga. Pero sobrang saya talaga! :)

TOP 1: ST. DOMINIC *2F*
*Syempre, yung pinaka best sa 2012 ko eh yung naging part ako ng St. Dominic! Nung una kasi, nag aalangan ako kung katulad ba to ng section ko nung 2nd year na may sari-sariling grupo. Pero nag kamali ako. Sobrang united nito. Kaya nga '2F' ang tawag kasi 2nd Family. Ibig sabihin, para talaga kaming isang family. Sobrang blessed at swerte ko kasi dito ako napunta. Yung mga hindi ko ka-close dati, ka close ko na ngayon. Yung mga dinededma ko dati, kadaldalan ko na ngayon. Tsaka, dito ko na develop yung sarili ko. Kasi dati medyo mahiyain ako. Pero ngayon, kumapal na muka ko. Sumagad na din yung pagiging maingay ko at pagiging chismosa ko. Hahaha. Pero ayun, sadballs lang. Yung alam mong 3 months na lang, magkakahiwalay na kayo. Tapos, ayan na ang college! Parang ang hirap lang. Para sakin kasi, sila yung mga nakasanayan kong tao na kasama. Tapos iniisip ko, pano kaya pag nag college na ko? Ayaw ko naman mag compare. Hahaha. Chos. Pero sa ngayon, i cherish na ang mga mangyayari everyday! :D