Sabado, Pebrero 16, 2013

Crossed fingers

Grabe. Sobrang sayaaaa :) Passed the exam in SPUM!! :)
Nakakatuwa kasi ngayan lang ako nakapag file ng requirements tapos pinakiusapan ni mommy yung guidance councilor na ihabol ako sa 8am exam. So ayun. Pinayagan naman ako kasi kumpleto sa requirements. :) tapos pag pasok ko sa testing room, ako na lang yung hinihintay para mag start. Madali lang yung exam. So ayun. :)

Pagkatapos ng exam pinastay kami sandali para sa results. So ayun, nung tinawag na yung surname ko, kinakabahan ako kasi baka mamaya di ako makapasa. Baka yung math na naman yung maging problema. Nakita ko lang kasi hawak ng guidance councilor yung app form ko. Wala akong nakita na yellow paper. Kasi pag may yellow paper daw na kasama, pasado ka. Kasi yun yung permit to enroll. So ayun, naawalan na ako ng hope kasi wala akong nakita na ganun. Habang naglalakad, iniisip ko kung saan pa akong school mag aapply. Habang iniinterview ako, grabe. Kinakabahan ako. Syempre naka crossed-fingers ako. Tapos nung pinakita na saakin yung results ko, grabe. Sobrang saya ko. Kasi Puro Above average, average at very satisfactory yung nakalagay. Tapos ayun. Sinabihan na ako ng "Congratulations" ng councilor sabay inabot sakin yung yellow form. Grabe. :)) di ko alam gagawin ko kung iiyak ba ako o tatalon sa sobrang saya. Hahaha. 

Ayun. Swerte lang. Ang dali kasi ng math nila eh. Echos. :)))
Pero nakakatuwa kasi late na ko nakadating dun. Mga past 8 na siguro. Pero pinagbigyan nila ako na makahabol sa exam. :)) pero favorite part ko ng exam yung last. Kasi given ng four pictures tapos gagawa ka ng story out of it. Edi ginawa ko, nirelate ko sa experiences ko yung story regarding dun sa hindi ko pagpasa sa upcat at ustet. Hihihi

Totoo nga yung sinasabi nila na pag nag sara ang mga pinto, may bintana na mag bubukas :D

THANK YOU LORD!! :D

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento