Lunes, Disyembre 24, 2012

Joyeux Noel!! :)

Happy Birthday, Jesus! :)
Spread Love!! :D

Biyernes, Disyembre 21, 2012

12.21.12 DOMZday

Last year of Christmas party spent well! A party worth remembering... Thanks, Domz!!


Me, Allyssa, Caloy, Milli, Carla, Walter

Jhaz, Allyssa, Carla, Me, Ashley

Allyssa, Pau,Anne, Ashley, Me

Me, Allyssa, Anne, Milli, Ashley, Carla, Jhaz, Bea

Me, Ivan, Renzelle, Anne

Erika, Pau, Me, bespren kong si Mang Kepweng. Ayy, Chad pala. Hahaha

Marganda ;)

Milli, Anne, Ashley, Me, Chesca, Jhaz

Eh love ko sila. :')

<3

Groupmateeesss! I love youuu :")

Ganyan dapat ang buhay. Laging masaya. Party, Party!!
Photo blog :)

Pictures by: Jhaz-myn

Miyerkules, Disyembre 19, 2012

Buhay Manunulat

1,2,3
Bigyan ng article,
Mag - isip na!
Mag - interview!

4,5,6
Tiis sa reklamo!
Magsulat!
Tignan ang "bararila"

7,8,9
I - save sa flashdrive!
Pakinggan ang husga!
Ipasa sa EIC!

At.......... 10
REJECTED!

Ashley Cruz

Sabado, Disyembre 15, 2012

Butterfly Effect

Noong ako'y nasa ika-tatlong taon ng hayskul, huling araw na namin sa eskwela at may isang imbitasyon na nanghihikayat sa mga estudyante na maging parte ng opisyal na dyaryo ng aming paaralan. Napag desisiyunan naming magkakaibigan na mag 'exam' sa nasabing imbitastasyon. Ako'y nagdadalawang isip nung una sapagkat ayaw ko rin na sumali dito dahil alam ko na para sa mga matatalinong tao lamang ito at alam ko na hindi ako makakapasa. Kaya nabuo ang aking desisyon na huwag ng sumali. Ngunit ako'y pinilit ng isa kong kaklase na sumali dito. Sinabi ko sa kanya na ayoko ngunit sinabi niya sakin nawala namang masama kung susubukan ko ito. Kaya naman wala akong pagpipilian kung hindi ang sumali. Nang matapos na ang eksamin, sinabihan kami na maghintay na lamang ng anunsyo kung sino sino ang mga magiging bagong manunulat. Naiwan na sa isip ko na hindi ako makakapasa.

Marso.... Abril...... Mayo....... Wala pa ding tawag, text o ano pa man. Halos maiyak ako dahil hindi na naman ako natanggap. Nasasabi ko sa sarili ko na wala ba akong kwentang tao? Binigay ko naman lahat pero bakit ayaw nila sakin. Nag umpisa ito sa awdisyon ko sa theater guild, sa choir.... Pero wala eh. Pati ba naman dito? Gusto maging manunulat. Gusto kong ilabas ang saloobin ko sa mga tao. Pero bakit hindi nila ako tinanggap?

Hunyo......... Nang ako'y mag online, una kong binuksan ang aking Twitter account. Nagulat ako nang makita ko ang tweet sa akin ng aking kaibigan. Sabi nito; "Congrats, Marge!" ako naman ay nagtaka. Sabi ko sa sarili ko, hindi naman ako sumasali sa kahit anong kumpetisyon. Bakit nila ako sinasabihan ng "congrats"? Nang binuksan ko ang aking Facebook account, nagulat ako sa isang notipikasyon. "....... added you to group 'VOX 2013'". Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya nang mabasa ko ito. Oo nga naman, hindi lang text o tawag ang paraan. May Facebook pa pala! Halos maiyak ako sa tuwa dahil napasa ko ang eksamin sa Vox. Isa na akong manunulat sa aming dyaryo. Sobrang saya ko nung mga oras na iyon.

At ngayong tatlong buwan na lang ang natitira........

Masasabi ko na hindi nasayang ang mga bagay na aking naibahagi dito. Lalo na't hindi nasayang ang mga panahong nakasama ko sila. Mananatili ito sa aking isipan lalo na sa aking puso.


Biyernes, Disyembre 14, 2012

Saturdaaay

Since nasa mood ako mag blog dahil tapos ko na basahin yung "The Bad boy, Cupid and Me" sa Wattpad, ayun. Hahaha.

So, exams na next week! Then Christmas break. Then ilang months na lang, graduation na. :(
Pero, eto muna first times na ginawa ko ngayong 3rd quarter na hindi ko pa nagawa past quarters. :)

- First time kong walang naintindihan sa math.
- First time kong bumagsak sa mga quizzes sa math.
- First time kong nagseryoso sa physics.
- First time kong dumaldal tuwing nag lelesson.
- First time kong hindi mag sulat ng notes lalo na sa english.
- First time kong tinawag ako ng teacher at nag tanong sakin tungkol sa lesson dahil nakikipagdaldalan at hindi ako nakikinig sa kanya. (Pero nakasagot naman ako sa tanong nya. Hahaha)
- First time kong maging sobrang close sa mga katabi ko kahit ngayon lang kami nagkakatabi. (Halos lahat ng ka badtripan ko sa isang tao/bagay alam nila. Hahaha)

*At marami pa. :)))

*And mamaya pala may bingo. Parang tinatamad ako pumunta. Instead pupunta ako sa bahay nila Jhaz, manonood kami ng movie. Hahahaha. Charot lang :)))
*Anyways, sayang din pag hindi pumunta ng bingo. Baka manalo. :)) Kasi last year nanalo ako ng P7000. Hahaha

CLANG! CLANG!

CLANG! CLANG!
Ang tunog ng lata
Ngunit ito lang ba ang tunog?
Marahil pag walang laman.
CLANG! CLANG!
Tunog ng latang walang laman.
Masakit sa tainga,
Nakakairita pakinggan.
Parang isang bibig na nagsasalita
Ngunit hanggang salita lamang.
CLANG! CLANG!
Ang tunog ng lata
Nag - iiba ang tunog pag may laman.
CLANG! CLANG!
Isang latang may laman.
Hindi masakit sa tainga.
Parang isang bibig na nagsasalita
Ngunit ito'y pinag - isipan.
Sa halip na puro salita, ito'y may gawa.
CLANG! CLANG!
Ang tunog ng lata.
May laman man o wala.
CLANG! CLANG!
IKAW, KABILANG KA BA SA KANILA?

- Margarette Foz