Sabado, Disyembre 15, 2012

Butterfly Effect

Noong ako'y nasa ika-tatlong taon ng hayskul, huling araw na namin sa eskwela at may isang imbitasyon na nanghihikayat sa mga estudyante na maging parte ng opisyal na dyaryo ng aming paaralan. Napag desisiyunan naming magkakaibigan na mag 'exam' sa nasabing imbitastasyon. Ako'y nagdadalawang isip nung una sapagkat ayaw ko rin na sumali dito dahil alam ko na para sa mga matatalinong tao lamang ito at alam ko na hindi ako makakapasa. Kaya nabuo ang aking desisyon na huwag ng sumali. Ngunit ako'y pinilit ng isa kong kaklase na sumali dito. Sinabi ko sa kanya na ayoko ngunit sinabi niya sakin nawala namang masama kung susubukan ko ito. Kaya naman wala akong pagpipilian kung hindi ang sumali. Nang matapos na ang eksamin, sinabihan kami na maghintay na lamang ng anunsyo kung sino sino ang mga magiging bagong manunulat. Naiwan na sa isip ko na hindi ako makakapasa.

Marso.... Abril...... Mayo....... Wala pa ding tawag, text o ano pa man. Halos maiyak ako dahil hindi na naman ako natanggap. Nasasabi ko sa sarili ko na wala ba akong kwentang tao? Binigay ko naman lahat pero bakit ayaw nila sakin. Nag umpisa ito sa awdisyon ko sa theater guild, sa choir.... Pero wala eh. Pati ba naman dito? Gusto maging manunulat. Gusto kong ilabas ang saloobin ko sa mga tao. Pero bakit hindi nila ako tinanggap?

Hunyo......... Nang ako'y mag online, una kong binuksan ang aking Twitter account. Nagulat ako nang makita ko ang tweet sa akin ng aking kaibigan. Sabi nito; "Congrats, Marge!" ako naman ay nagtaka. Sabi ko sa sarili ko, hindi naman ako sumasali sa kahit anong kumpetisyon. Bakit nila ako sinasabihan ng "congrats"? Nang binuksan ko ang aking Facebook account, nagulat ako sa isang notipikasyon. "....... added you to group 'VOX 2013'". Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya nang mabasa ko ito. Oo nga naman, hindi lang text o tawag ang paraan. May Facebook pa pala! Halos maiyak ako sa tuwa dahil napasa ko ang eksamin sa Vox. Isa na akong manunulat sa aming dyaryo. Sobrang saya ko nung mga oras na iyon.

At ngayong tatlong buwan na lang ang natitira........

Masasabi ko na hindi nasayang ang mga bagay na aking naibahagi dito. Lalo na't hindi nasayang ang mga panahong nakasama ko sila. Mananatili ito sa aking isipan lalo na sa aking puso.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento